SupportSupport
Love At First Stream (Original Soundtrack)
01. No Stopping You
02. Tulad Sa Pelikula
03. Sana Panaginip Lang
04. Maaari B
05. Tagu-Taguan
06. Kumusta (Kumu Song)
07. When I Fall
08. Kumu & Chill
09. Love Love Love
10. Kung Akin Ang Mundo
11. No Stopping You (duet)
Minsan, isang araw, puso'y napasigaw
Nahulog sa iyo't 'di ko na matanaw
Pangangat'wiran ko'y 'di na mapagkatiwalaan

Umasa sa iyo, 'di na mabibitawan
Na baka sakali lang, 'di na masasaktan
Ngunit pangangatwiran mo'y 'di mapagkatiwalaan

Kaya't pipikit na lang

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan

Langit ang natanaw, pangarap ay ikaw
Lupa ang nabigay, 'di nakapaghintay
Sana nagpatintero at naiwasan ang impiyerno

Kaya't pipikit na lang
At baka sakali lang

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan

Pagdating sa dulo, ako'y nasaktan mo
Sinubukang 'paglaban, sigaw ng puso ko
Ngunit ba't pipilitin ang 'di naman para sa akin?

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan

No'ng 'di pa naiwan (no'ng 'di pa naiwan)
No'ng 'di pa naiwan (no'ng 'di pa naiwan)
No'ng 'di mo iniwan (no'ng 'di mo iniwan)
Hmm